Simpleng kagustuhan, kasiyahan at kaligayahan nais kong makamtan
Nais kong punan ang aking pagkatao
Upang sa bawat paglipas ng panahon,
kasawian ay mapunan ng pagbabago.
Noong una'y di ko akalain
Ikaw na ang turing ko lamang ay isa sa mga matalik kong kaibigan
Ay siyang magpupuno ng aking kakulangan
Sa di sinasadyang mundo nati'y pinagtagpo
puso nati'y pinag-isa't pinatibok.
At sa bawat araw na lumilipas
Tanging ikaw, o ang pangalan mo'y nasa puso't isipan
Salamat sa mga pangakong di mo binitiwan
Sadyang kay saya nitong aking nadarama
Pinapangarap na tayo'y lumigaya ng magkasama
Kay sarap isipin, o kay sarap damhin
Ikaw ang laging tanaw ng aking pangarap
Sana ay ikaw na nga magpakailanman
Sa bawat bulong ng aking labi
Nais kong ipadama ang haplos ng aking pag-ibig
Sa bawat araw na kita'y iniibig
Walang katumbas iyon sa pag'alis mo ng pait
Lahat lahat ginawa mo na
Sadyang napaibig mo ng lubos
Pangako ko sayo, ako'y narito lamang
Handang maging sayo,
MAGPAKAILANMAN :) ♥♥